Nasa tambayan ako ngayon
hinihintay si Asul ang boypren kong hilaw at bestpren kong hinog, naging
matalik kaming magkaibigan noong mga araw na ipinagtanggol niya ako sa mga
chararat naming kapitbahay sa kalye Makulay. Nagsimula ang aming pagkakaibigan
sa tapat ng tindahan ni Aleng Nena isang matandang dalaga na hanggang ngayon
hinihintay parin ang kanyang mandurugas na Prince Charming. Habang naghihintay
ako kay Asul may sampung lalakeng sumulpot sa aking harapan.
“oy Pula nasan na yung boypren
mong hilaw? Buhay pa ba? Dadating pa kaya? Baka naman iniwan ka na? kahit na
anong hintay mo dina darating yun! Wala na ang superhero mong magtatanggol
sayo! bwahaha ” tanong ng kanilang troop leader na si Itim.
“najejebs lang yun kaya umuwi
muna wag ka ngang makulit diyan, sinisira mo na naman araw ko alam mo namang allergy
ako sa mga hipon!” binayaran ko na yung inorder kong puto bumbong at softdrinks
kay Aleng Nena at umalis na, sira na kasi araw ko.
Naglalakad ako ngayon, pero ‘di ko
alam kung saang parte ako ng mundo mapapadpad basta bat sumusunod lang ako sa
dikta ng aking mga paa, para bang may sayad ang aking mga paa naglalakad kahit
hindi inuutusan. Hanggang sa nilayo-layo ng aming nilakbay, sa wakas nakarating
narin kami sa aming destinasyon, isang tahimik na lugar na napapaligiran ng mga
mahalimuyak na halaman, nakaukit rin sa isang puno banda sa may sapa ang aming
mga pangalan. Bigla nalang sumakit ang ulo ko, yung sakit na di basta basta,
para bang mabibiyak sa sobrang sakit napaka sakit, ipinikit ko ang aking mga
mata may mga bagay bagay na pumapasok sa aking isipan na tila bumabalik balik
na naman. Iminulat ko ang aking mga mata, at agad na bumalik lahat ng alaalang
aming pinagsaluhan, mga alaalang kahit kalian ‘di ko malilimutan mga alaalang
nakatatak sa aking puso at isipan na kahit kalian di na maibubura pa.
Agad akong tumakbo, tumakbo ng
tumakbo hanggang sa ‘di ko alam kung saang bahagi ako dadalhin ng aking mga
paa, takbo lang ako ng takbong hanggang sa marating ko ang aking destinasyon
isang tahimik na lugar na punong puno ng halaman, isang lugar kung saan napapalibutan ng mga halamang sumisimbolo ng
pagmamahal alay sa kanila, ‘di ko alam ang dahilan pero bigla nalang pumatak
ang luhang sabik na sabik, dinala ako ng aking paa sa isang lugar kung saan nakalatag
ang isang mapait na kapalaran. Wala na ang aking kaibigan na matagal ko ng
hinihintay iniwan niya akong mag-isa, iniwan niya akong luhaan at naguguluhan
ngayon alam ko ng dina siya babalik pa, wala na ang aking kaibigang si Asul. alam
ko kung nasaan ako, nasa tapat ako ng kanyang puntod.