Biyernes, Setyembre 4, 2015

Nasa tambayan ako ngayon hinihintay si Asul ang boypren kong hilaw at bestpren kong hinog, naging matalik kaming magkaibigan noong mga araw na ipinagtanggol niya ako sa mga chararat naming kapitbahay sa kalye Makulay. Nagsimula ang aming pagkakaibigan sa tapat ng tindahan ni Aleng Nena isang matandang dalaga na hanggang ngayon hinihintay parin ang kanyang mandurugas na Prince Charming. Habang naghihintay ako kay Asul may sampung lalakeng sumulpot sa aking harapan.

“oy Pula nasan na yung boypren mong hilaw? Buhay pa ba? Dadating pa kaya? Baka naman iniwan ka na? kahit na anong hintay mo dina darating yun! Wala na ang superhero mong magtatanggol sayo! bwahaha ” tanong ng kanilang troop leader na si Itim.

“najejebs lang yun kaya umuwi muna wag ka ngang makulit diyan, sinisira mo na naman araw ko alam mo namang allergy ako sa mga hipon!” binayaran ko na yung inorder kong puto bumbong at softdrinks kay Aleng Nena at umalis na, sira na kasi araw ko.

Naglalakad ako ngayon, pero ‘di ko alam kung saang parte ako ng mundo mapapadpad basta bat sumusunod lang ako sa dikta ng aking mga paa, para bang may sayad ang aking mga paa naglalakad kahit hindi inuutusan. Hanggang sa nilayo-layo ng aming nilakbay, sa wakas nakarating narin kami sa aming destinasyon, isang tahimik na lugar na napapaligiran ng mga mahalimuyak na halaman, nakaukit rin sa isang puno banda sa may sapa ang aming mga pangalan. Bigla nalang sumakit ang ulo ko, yung sakit na di basta basta, para bang mabibiyak sa sobrang sakit napaka sakit, ipinikit ko ang aking mga mata may mga bagay bagay na pumapasok sa aking isipan na tila bumabalik balik na naman. Iminulat ko ang aking mga mata, at agad na bumalik lahat ng alaalang aming pinagsaluhan, mga alaalang kahit kalian ‘di ko malilimutan mga alaalang nakatatak sa aking puso at isipan na kahit kalian di na maibubura pa.


Agad akong tumakbo, tumakbo ng tumakbo hanggang sa ‘di ko alam kung saang bahagi ako dadalhin ng aking mga paa, takbo lang ako ng takbong hanggang sa marating ko ang aking destinasyon isang tahimik na lugar na punong puno ng halaman, isang lugar kung saan  napapalibutan ng mga halamang sumisimbolo ng pagmamahal alay sa kanila, ‘di ko alam ang dahilan pero bigla nalang pumatak ang luhang sabik na sabik, dinala ako ng aking paa sa isang lugar kung saan nakalatag ang isang mapait na kapalaran. Wala na ang aking kaibigan na matagal ko ng hinihintay iniwan niya akong mag-isa, iniwan niya akong luhaan at naguguluhan ngayon alam ko ng dina siya babalik pa, wala na ang aking kaibigang si Asul. alam ko kung nasaan ako, nasa tapat ako ng kanyang puntod.